--Ads--

Nawawala ang 9 na skiers matapos tamaan ng avalanche ang bahagi ng Sierra Nevada sa California.  

Ayon sa mga awtoridad, 6 sa kasamahn ng mga ito ang matagumpay na nasagip.

Ayon sa pahayag ng Nevada County Sheriff’s Office, naganap ang insidente bandang alas-11:30 ng umaga (Pacific time) noong Martes sa Castle Peak area sa Truckee, California kung saan natabunan ng rumaragasang niyebe ang grupo ng mga backcountry skiers.

Ang 6 na nasagip ay nagtamo ng iba’t ibang injury, at dalawa sa kanila ang isinugod sa ospital para sa karagdagang gamutan.

--Ads--

Batay sa ulat, nakagawa ng pansamantalang kanlungan ang mga nakaligtas gamit ang tarpaulin at iba pang materyales. Nakipag-ugnayan sila sa mga rescuer sa pamamagitan ng radio beacon at text messaging.

Nagbabala ang mga awtoridad na magiging mabagal ang paghahanap sa 9 pang nawawala dahil sa mapanganib na kondisyon sa lugar, kabilang ang posibilidad ng panibagong avalanche.