--Ads--

CAUAYAN CITY – Ibayong pighati ang nararamdaman ngayon ng mga anak ng Ofw na namatay sa Kuwait na si Constancia Dayag matapos makita ang kanyang bangkay na dumating na kagabi sa Dalenat, Angadanan, Isabela.

Nakaselyo ang kabaong ni Constancia na nakaburol ngayon sa bahay ng kanyang biyenan sa Dalenat, Angadanan dahil nasa stage of decomposition na.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Lovely Jane, anak ni Constancia na maitim at hindi na makilala ang mukha ng kanyang nanay kaya hindi sila naniniwala na natural cause ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Iginiit niya na lalaban sila para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang ina.

--Ads--

Nangako aniya ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan na tututukan ang kaso ng pagkamatay ng kanyang ina sa Kuwait.

Ang tinig ni Lovely Jane Dayag


Sinabi naman ni Barangay Kapitan Ruben Marayag ng Dalenat, Angadanan na maraming tao ang nagtutungo sa bahay ng pamilya Dayag para makiramay at makita ang mga labi ni Constancia subalit litrato lamang niya ang nakalagay sa ibaba ng kanyang kabaong dahil selyado ito.