CAUAYAN CITY – Dalawang beses bawat taon na lamang tatanggapin ng mga senior citizen ang kanilang social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tatlong llibong piso ang matatanggap ng mga benepisaryong senior citizen sa semestral pay out scheme.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD region 2, sinabi niya na patuloy ang kanilang validation para sa mga social pensioners.
Sa limang lalawigan sa region 2 ay nasa 210,642 na senior citizen na benepisaryo na ang kanilang navalidate.
Ang validation form ng 165,129 na benepisaryo ay na-encode na ng DSWD region 2 at ipapadala na sa kanilang central office na siyang magpapasya kung kailan ang schedule ng pay out para sa unang semestre.