--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang dalagitang estudiyante habang nasugatan ang kanyang kamag-anak matapos mabangga ng pick-up ang sinasakyan nilang motorsiklo sa barangay Lullutan, Lunsod ng Ilagan.

Ang namatay ay si Sherimae Zalun, 15 anyos, mag-aaral habang nasugatan si Severino Zalun, 54 anyos may-asawa, kapwa residente ng Lullutan, City of Ilagan.

Lumabas sa imbestigasyon ng City of Ilagan Police Station na ang mga biktima ay sakay ng motorsiklo ngunit habang binabagtas ang national highway ay nabangga ng Mitsubishi Strada na may plakang NCB 3880 at minamaneho ni Cesar Villanueva, 58 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Malasin, Ilagan City.

Nakaladkad ang mga sakay ng motorsiklo dahil sa lakas ng pagbangga na nagbunga ng pagtamo nila ng malalang sugat sa katawan.

--Ads--

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Sherimae Zalun.