--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang negosyante habang tatlo ang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa pagitan ng Pagasa at Narra, Echague, Isabela

Nasawi ang nagmaneho sa tricycle na si Manuel Cutaran, 57 anyos, negosyante habang nasugatan ang mga sakay na sina John David Caduan, 10 anyos at Alberto Capisio, tricycle driver, pawang residente ng Sinabbaran, Echague, Isabela.

Nasugatan din ang nakabanggaan na tsuper ng motorsiklo na si Marcial Cutaran, magsasaka , residente ng Madadamian, Echague, Isabela.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Manuel Cutaran ng kanyang attending physician.

--Ads--

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Echague Police Station na binabagtas ng tricycle ang daan patungong Pagasa Echague, Isabela ngunit nang makarating sa lugar ay nabangga ang paparating na motorsiklo.