--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos makabanggaan ang isang pulang Izuzu pick-up sa national highway sa Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang namatay ay sina Homer Sonday, 21 anyos, tsuper ng motorsiklo at angkas na si Marvin Arellano, 27 anyos, kapwa residente ng Buenavista, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang tsuper ng pick-up ay si Oscar Nava, 53 anyos at residente ng Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt Jolie Villar, OIC Chief of Police ng Bayombong Police Station, sinabi niya na ang pick-up ay galing sa Solano, Nueva Vizcaya at patungo sana sa Bayombong nang sundan niya ang nag-overtake na bus ngunit nakabanggaan ang paparating na motorsiklo.

--Ads--

Agad dinala sa ospital ang mga sakay ng motorsiklo na sina Sonday at Arellano ngunit idineklara silang dead on arrival.

Ang tsuper naman ng pick-up ay kusang sumuko sa himpilan ng pulisya at sinampahan na ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide and Damage to Property.