
CAUAYAN CITY – Naglaan ng pondo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela para sa nakatakdang pamamahagi ng mga portable x-ray sa mga rural health unit (RHU) sa mga bayan at lunsod.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Arlene Lazaro, Assistant Provincial Health Director, sinabi niya na bilang bahagi ng new normal ay ang planong pamamahagi ng mga portable x-ray na maaring dalhin sa mga barangay sa oras na magsasagawa ng medical operation sa lalawigan.
Aniya, malaking bagay ang pagbibigay ng mga x-ray sa mga MHO at CHO upang hindi na mahirapan pa at hindi na kinakailangan na magtungo sa mga RHU ang mga residente.
Ikinatuwa rin ng mga doktor ang ipinapangakong pagbibigay ng mga respiratory mask sa mga health worker sa lalawigan ng Pamahalaang Panlalawigan.










