--Ads--

CAUAYAN CITY Inasahan na ng DOH Region 2 na magkakaroon ng backlog ang mga specimen na kailangang isailalim sa COVID-19 Testing laboratory sa rehiyon dahil sa pagdami ng mga nagpopositibo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Leticia Cabrera, chief ng local health division ng DOH Region 2, sinabi niya na inasahan na nilang dumami ang darating na specimen sa nasabing laboratory dahil sa contact tracing.

Dalawa lamang aniya ang ginagamit na machine at ang kaya lamang na itest ng bawat machine ay tatlumpu’t anim na specimen sa isang araw.

Dahil dito agad silang humiram ng karagdagang machines para maproseso na ang mga naghihintay na kailangang maisailalim sa testing.

--Ads--

Sa ngayon ay apat na ang ginagamit na machine subalit hindi pa rin sapat dahil sa dami ng mga dumarating na specimen.

Buong araw na rin silang pumapasok tuwing araw ng sabado at linggo na dati ay kalahating araw lamang.

Ikinukonsidera naman nila ang suhestyon na unahin ang mga in-patients pero hindi rin puwedeng pabayaan ang mga naunang specimen na dumating dahil may mga expiration ang mga ito.

Tinig ni Dr. Leticia Cabrera.