--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang muling naitala sa Lunsod ng Santiago ngayong araw.
Ito ay sa katauhan ng isang 23-anyos na lalaki na mula sa Barangay Cabulay, Santiago City.
Ang pasyente ay dumating sa Lunsod noong ika-9 ng Hulyo lulan ng isang pribadong sasakyan mula sa Pasay City.
Pagdating sa checkpoint siya ay inihatid sa quarantine facility na itinalaga ng LGU.
--Ads--
Ngayong araw ay dumating ang resulta ng kaniyang test at positibo sa virus.
Siya ngayon ay asymptomatic o walang anomang sintomas sa nasabing karamdaman.
Nakatakda itong ilipat ngayong araw sa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center (SIMC).










