--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang anak matapos siyang mabaril ng kanyang sariling ama sa Purok 1, Calimaturod, Cordon, Isabela.

Ang biktima ay si Nikko Jay Agustin, 29 anyos at residente ng Centro 1, San Guillermo, Isabela habang ang pinaghihinalaan ay si Eusebio Agustin, 76 anyos, may asawa at residente ng Purok 1, Calimaturod, Cordon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Alford Accad, hepe ng Cordon Police Station, sinabi niya na nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang ama para hingin ang dokumento ng kanilang kalabaw at ibenta subalit hindi pumayag ang kanilang ama dahilan para sila ay mag-away.

--Ads--

Tinutukan niya ang kanyang ama ng baril subalit naagaw ito ng pinaghihinalaan at binaril ang biktima.

Ayon kay PMaj. Accad, dati ng may alitan ang mag-ama dahil ang biktima ay may kaunting problema sa pag-iisip at laging nagbabanta sa pinaghihinalaan at sa kanyang mga kapatid para lahat ng pag-aari ng kanilang ama ay sa kanya mapunta.

Ilang beses na rin aniya itong nakulong sa kanilang himpilan dahil sa panggugulo.

Aniya, hindi na interesado pang magsampa ng kaso ang pamilya ng mga sangkot subalit ang PNP Cordon na ang magsasampa ng kaso at bahala na ang korte na magdesisyon.

Tinig ni PMaj. Alford Accad.