--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lineman ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) matapos makuryente sa La Paz, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay si Roel Galiza, 47-anyos, may asawa, lineman ng ISELCO at residente ng Culing Centro, Cabatuan, Isabela.

Batay sa kanyang mga kasamahan, nagtungo sila sa Brgy. La Paz para sa relokasyon ng kanilang service drop at kilowatt meter at habang nasa loob ng basket ng kanilang service boom truck si Galiza ay aksidente nitong nasagi ang ground service drop dahilan para siya ay makuryente.

Kaagad dinala ang biktima sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng attending Physician.

--Ads--