CAUAYAN CITY– Kinumpirma ng Cauayan City COVID 19 task force na positibo ang resulta ng swab test sa limang kapamilya at direct contact ni patient CV674 sa Barangay Villa Concepcion, Cauayan City.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagsasagawa ng contact tracing ng City Health Office sa mga maaaring direct contact ng limang nagpositibong residente ng nasabing barangay.
Hinihikayat ng pamahalaang lunsod ang lahat ng residente ng Barangay Villa Concepcion na sumunod sa mga guidelines habang ang barangay ay nasa ECQ upang mas mapadali ang gagawing contact tracing.
Pinaalalahanan din ang mga residente na iwasan ang paglabas sa kanilang barangay kung hindi naman kinakailangan, gayundin sa iba pang mamamayan mula sa mga katabing barangay upang maiwasan ang pagkalat ng virus.





