
CAUAYAN CITY – Tinawag na unfair ng punong lalawigan ng Nueva Vizcaya ang pahayag ng DOH Region 2 na epicenter ng COVID-19 sa ikalawang rehiyon ang kanilang lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Carlos Padilla, sinabi niya na hindi niya alam kung paano at ano ang naging batayan ng DOH Region 2 sa kanilang pahayag na pagiging epicenter na ng Nueva Vizcaya sa COVID-19.
Aniya, hindi patas na igeneralize ang Probinsiya dahil hindi naman lahat ng bayan sa lugar ay apektado ng virus.
Gayunman, kung ang bayan ng Solano ang tawaging epicenter ay hindi na siya makikipagdebate pa dahil aminado naman siya sa dami ng mga naitatalang kaso sa nasabing bayan.
Giit niya na marami ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan pero nasa dalawa hanggang apat na bayan lamang.










