--Ads--

CAUAYAN CITY Muling naitala sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang isang panibagong mortality kaugnay sa COVID-19.

Siya ay kinilalang si CV 1103, 53-anyos na lalaki na mula sa Homestead, Bambang.

Siya ay namatay habang nasa Region 2 Trauma Medical Center (R2TMC).

Bukod sa isang panibagong namatay ay naitala rin ang 38 panibagong kaso.

--Ads--

Naitala sa mga bayan ng Bayombong ang pinakamarami na may tig labing apat, sumunod ang Solano na may lima habang ang Bagabag ay may apat at isa naman sa Bambang.