--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling naitala sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang isang panibagong mortality kaugnay sa COVID-19.
Siya ay kinilalang si CV 1103, 53-anyos na lalaki na mula sa Homestead, Bambang.
Siya ay namatay habang nasa Region 2 Trauma Medical Center (R2TMC).
Bukod sa isang panibagong namatay ay naitala rin ang 38 panibagong kaso.
--Ads--
Naitala sa mga bayan ng Bayombong ang pinakamarami na may tig labing apat, sumunod ang Solano na may lima habang ang Bagabag ay may apat at isa naman sa Bambang.










