--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng indignation rally na laban sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang mga mamamayan ng lalawigan ng Quirino noong ika-14 ng Setyembre. 

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sgt. Benjie Maribbay ng 86th Infantry Battalion, Philippine Army na pangunahin sa mga nagsagawa ng indignation rally ay ang mga miyembro ng Timpuyog Iti Mannalon Iti Quirino o TIMIQ sa pangunguna ni Rowena Busania Hidalgo.

Dinaluhan din ito ng mga opisyal ng barangay at iba’t ibang opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Sgt. Maribbay na ang rally na ito ay nagpapakita na ayaw na ng mga tao sa kanilang lugar ang mga teroristang NPA.

--Ads--

Kasabay nito ay tinuligsa rin ng mga mamamayan ang patuloy na karahasan at panlilinlang ng NPA.

Sinunog din nila ang bandila ng CPP-NPA-NDF at lumagda sa wall of peace bilang patunay na ayaw na nila sa mga teroristang NPA.

Tiniyak naman ni Sgt. Maribbay na sa isinagawang indignation rally ay nasunod ang mga panuntunan kaugnay sa COVID-19.

Tinig ni Sgt. Benjie Maribbay.