CAUAYAN CITY – Narekober ng mga kasapi ng 95th Infantry Battalion Philippine army at mga pulis ang dalawang mataas na kalibre ng baril, mga bala at pampasabog sa kabundukang nasasakupan ng Sierra Madre, sa San Mariano, Isabela.
sa tulong ng mga sumukong rebelde at militia ng bayan ay narekober ng militar at pulis ang isang M16 armalite rifle at isang M14 armalite rifle, mga bala at mga pampasabog.
Sinabi ng mga sumukong rebelde ang kinaroroonan ng mga armas, bala at pampasabog na itinago ng kanilang mga kasama sa kagustuhang makatulong at upang matapos na ang madugong rebolusyon na nagdudulot ng hirap at takot sa mga mamamayan.
Nagpapasalamat naman ang militar at pulisya sa tiwala na ibinibigay ng mga dating rebelde sa kanilang hanay.
Tiniyak din nila sa mga sumukong rebelde at militia ng bayan na mabibigyan sila ng seguridad at sasailalim sa mga programa ng pamahalaan para sa kanilang pagbabagong buhay.