--Ads--

CAUAYAN CITY – Kasabay ng muling pagsailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Isabela ay binuksan din ang turismo sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Governor Rodito Albano na kailangan pa ring dumaan sa mga protocols na ipinapatupad sa lugar kung saan pupunta ang mga nais na magtungo sa Isabela.

Kaugnay nito ay nagbigay naman ng ayuda ang pamahalaang panlalawigan sa pamasahe ng mga magtutungo sa coastal areas.

Ang mga residente sa lalawigan lalong-lalo na sa mga nakatira sa coastal areas ay P1,000 na lamang ang babayaran sa eroplano papunta at pabalik habang sa mga turista naman ay posibleng one time na lamang.

--Ads--

Ayon kay Governor Albano, bawat pasahero ay P1600-P2,000 ang binabayaran ng pamahalaang panlalawigan na nagsimula pa noong Nobyembre.

Hakbang aniya ito ng pamahalaang panlalawigan para matulungan ang mga airlines companies.

Tinig ni Governor Rodito Albano.