--Ads--

CAUAYAN CITY – Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatagpuan ang nawalang binatilyo sa nasabing bayan mahigit isang buwan na ang nakalipas.

Matatandaang mayroon nang mga nakasuhan sa pagkawala ni John Eddie Ubaldo alyas Gubling na residente ng Brgy 3 San Mateo Isabela ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito natatagpuan o nakakauwi sa kanilang bahay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa kanyang mga kapamilya sinabi nila na patuloy silang naghihintay sa pag uwi ng kanilang kaanak at umaasa silang buhay pa ito at makakasama nila sa araw ng pasko.

Umaasa ngayon ang pamilya Ubaldo na mabigyan ng hustisya ang pagkawala ni Gubling at matagpuan na rin ito sa lalong madaling panahon para hindi na sila nag aalala pa.

--Ads--