CAUAYAN CITY – Muling naghahanda ang mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa ikalawang rehiyon para sa pagbubukas ng voter’s registration sa December 12, 2022 hanggang sa January 31, 2023.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Jerby Cortez, asst regional director ng Comelec region 2 na puwede nang magparehistro ang nasa edad 15 hanggang 17 anyos para sa katipunan ng mga kabataan habang ang mga nasa edad 18 pataas ay regular na magpaparehistro.
Bukas din ang registration sa mga magpapalipat, magpa-reactivate ng registration at nais na itama ang maling entries.
Nasa magpaparehistro kung magsusuot pa rin ng facemask at kung magdadala ng ballpen para sa kanilang protection.
Ayon kay Atty. Cortez, wala silang target registered voters ngayon ngunit nais nilang magparehistro ang mga kabataan na nasa edad 15 at bago maglabingwalong taong gulang.