--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ni Chairman Silvestre Bello III ng Manila Economic Cultural Office (MECO) na walang pressure at normal ang sitwasyon sa Taiwan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Bello na nag-ikot siya sa Taipei, Taichung at Taoshiung sa Taiwan at sinabi sa mga nakadaupang palad na Pilipino na huwag mag-aalala dahil kung may emergency situation ay siya ang magpaparating sa kanila.

Sa susunod na linggo ay makikipagpulong siya sa Pilipino Community.

Pinawi ni Bello ang pangamba ng mga kamag-anak sa Pilipinas ng mga Pilipino sa Taiwan na huwag mag-aalala dahil normal ang sitwasyon doon.

--Ads--