--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasawi ang isang pahinante matapos ma-loose break ang kanilang sinasakyan truck habang binabagtas ang lansangan at nahulog sa bangin sa Barangay San Benigno, Aglipay, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCapt John Fernando, Deputy Chief of Police ng Aglipay Police Station na ang truck ay may kargang dalawang kalabaw na dadalhin sa barangay Alicia, Aglipay, Quirino.

Habang binabagtas ng truck ang lansangan ay napansin ng tsuper na si Ernesto Manichala na na-loose break ang truck kayat binalak nitong ibangga sa isang pader at kanal.

Dahil nagpanic ang kanyang pahinante na si Leo Perez ay inagaw nito ang manibela sa tsuper sanhi para mahulog ang sasakyan sa bangin.

--Ads--

Buhay pa ang dalawa nang datnan ng mga pulis at rescue teams kayat agad silang dinala sa pagamutan ngunit binawian ng buhay si Perez.

Namatay din ang isang kargang kalabaw habang nagkaroon ng injury ang isa pang kalabaw.

Kasalukuyan pa ring ginagamot sa ospital ang tsuper at hinihintay pa ng pulisya ang kapasyahan ng pamilya ng nasawing pahinante kung sila ay magsasampa ng kaso.

Ang pahayag ni PCapt John Fernando