--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang patay sa irrigation canal sa Bascaran, bayan ng Solano ang nawawalang construction worker.

Ang biktima ay si Rodrigo Jacob, apatnaput tatlong taong gulang, construction worker, at residente ng Osmena, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan noong ikalabindalawa ng Hulyo pa nawawala ang biktima matapos magpaalam na makikipag-inuman subalit hindi na umuwi.

Hinanap siya ng kanyang live in partner na si Gloria Dominguez, at nakita ang tricycle nito na nakaparada sa gilid ng irigasyon.

--Ads--

Nang lapitan ang tricycle ay nakita nito sa irigasyon ang katawan ng biktima na wala ng buhay, at nakalubog sa tubig ang kalahati ng kanyang katawan.

Dito na tumawag ng tulong sa pulisya ang live in partner ni Jacob at patuloy ang pagsisiyasat ng mga kasapi ng Solano Police Station para malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng biktima.