Dumalo sa pagdinig sa Sandiganbayan nitong Martes si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan district engineer Henry Alcantara kaugnay ng kasong plunder na kinakaharap ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Si Alcantara ay isa sa mga dating opisyal ng DPWH na nagsilbing state witness sa imbestigasyon sa umano’y mga iregularidad sa mga proyekto ng flood control.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱7.4 bilyong kickback scheme sa mga proyekto ng pamahalaan. Kabilang din sa mga akusado ang dating Ako Bicol party-list representative na si Zaldy Co at iba pa.
Patuloy namang inihaharap ng prosekusyon sa Sandiganbayan ang mga ebidensiya nito upang patunayan ang mga alegasyon laban sa dating House Speaker.











