--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang magsasaka matapos mabangga ng isang van ang minamaneho nitong motorsiklo sa pambansang lansangan na nasasakupan ng Brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Ang tsuper ng van ay kinilalang si Drexler Maganon, 23-anyos at residente ng Bulo, Kalinga City.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, binabagtas ng van ang pambansang lansangan nang biglang tumawid ang biktima sakay ng kaniyang motorsiklo dahilan para mabangga niya ito at tumilapon.

Nagtamo naman ng sugat ang tsuper ng motorsiklo sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan na agad isinugod sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa tsuper ng van, sinabi niya na wala umanong ilaw ang motorsiklo kaya nabulaga na lamang siya ng bigla itong tumawid sa daan.

Handa naman umano siyang makipag-tulungan sa pamilya ng biktima.