--Ads--

Bumaliktad ang isang trailer truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Capintalan, Caranglan, Nueva Ecija nitong Huwebes ng hapon, Hunyo 25, 2026.

Dahil sa insidente, nagbabala ang mga awtoridad sa mga motorista na bumibiyahe papunta at mula sa Cagayan Valley na asahan ang posibleng mabagal na daloy ng trapiko habang isinasagawa ang clearing operations at imbestigasyon sa lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat at maglaan ng karagdagang oras sa kanilang paglalakbay upang maiwasan ang abala.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa sanhi ng aksidente. Hindi rin kaagad natukoy kung may mga nasugatan bilang resulta ng insidente.

--Ads--

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang buong detalye ng pangyayari.