--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang estudyante matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa poste ng ilaw sa gilid ng kalsada na bahagi ng Brgy. Nappaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Ang biktima ay isang bente tres anyos na college student at residente ng Brgy. Dangan, Reina Mercedes, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Charles Cariño, Chief of Police ng Reina Mercedes Police Station napag-alaman na pauwi na sana ang biktima at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay posibleng nag-overshoot ang kaniyang motorsiklo at bumangga sa poste ng ilaw.

Sa lakas ng pagbangga ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at sinubukan pang itakbo sa pagamutan subalit idineklara na siyang dead on arrival ng attending physician.

--Ads--

Napag-alaman naman na walang suot na helmet ang biktima at lumabas din sa pagsisiyasat na siya ay nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.