--Ads--

Sinibak sa puwesto si Katie Zacharia bilang White House press secretary wala pang isang linggo matapos manungkulan, kasunod ng mga batikos sa kaniyang unang press briefing at mga tanong sa kaniyang kwalipikasyon bilang abogado.

Ayon sa mga opisyal ng administrasyong Trump, sunod-sunod ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Zacharia. Nauna nang hiniling ni US President Donald Trump na pag-isipan niya kung ipagpapatuloy pa ang trabaho.

Itinalaga si Zacharia bilang kapalit ni Karoline Leavitt at nagsimula noong Lunes, bago isagawa ang kaniyang unang press briefing kinabukasan.

Naging sentro rin ng kontrobersiya ang pahayag niyang may karanasan siya sa international transaction law, bagama’t inamin niyang hindi siya nakapasa sa bar examination sa Estados Unidos.

--Ads--

Sinabi ni Trump na hindi siya nagmamadaling magtalaga ng kapalit ni Zacharia. Dahil sa mabilis na pag-alis, maaari siyang magkaroon ng pinakamaikling panunungkulan sa kasaysayan bilang White House press secretary.