--Ads--

CAUAYAN CITY- Natagpuang nakabitin at wala ng buhay ang isang dalagita sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa San Mateo, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa lola ng biktima, sinabi niya na iniwan niya lamang saglit ang kaniyang apo sa kanilang tinutuluyan ngunit pagbalik nito ay nadatnan na lamang niya ang kaniyang apo na nagpatiwakal gamit ang isang kumot.

Aniya, wala naman umanong nababanggit ang kaniyang apo na mayroon siyang problema ngunit ilang araw bago ang insidente ay dalawang araw umanong hindi umuwi ng bahay ang biktima.

Naglagi aniya siya sa bahay ng kaniyang kaibigan sa  isang barangay sa bayan ng San Mateo at sapilitan pa umano ang kanilang pagpapa-uwi rito.

--Ads--

Sa ngayon ay palaisipan pa din sa mga kaanak ng biktima kung bakit nito nagawang kitilin ang kaniyang buhay.