--Ads--
Nakakapagtala ang Cauayan City District Hospital sa lungsod ng Cauayan ng tinatayang nasa 3-5 kaso ng food poisoning kada araw
Ilan sa mga ito ay inaadmit lalo na kapag severe case habang pinapauwi naman nila ang ilan na moderate lamang ang sintomas.
Isa naman sa kanilang nakikitang dahilan ng pagdami ng kaso ng food poisoning ay dahil sa naranasang matinding init ng panahon sapagkat madali umanong mapanis ang mga pagkain kapag mainit ang panahon.
Bagama’t nakakapagtala pa din sila ng 3-5 kaso ng food poison ay unti unti na umano itong bumababa dahil lumalamig na ang ating temperatura.
--Ads--
Pinaalalahanan naman ng pagamutan ang lahat na ugaliing maghugas ng kamay at siguraduhing malinis ang mga pagkaing kinakain.