Walang naiulat na naitalang pinsala o nasugatan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC Isabela sa naitalang mga lindol sa lambak ng Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Atty. Constante “Watu” Foronda kanyang sinabi na pagkatapos maramdaman ang lindol sa bayan ng Maconacon at Divilacan ay kaagad na nag-ikot ang kanilang mga kasapi sa nasabing mga bayan at wala naman silang namonitor na mga pinsala.
Matatandaan na pasado alas siyete kaninang umaga nang tumama ang Magnitude IV na lindol sa Maconacon, Isabela at naramdaman din ang kaparehong intensity sa bayan ng Divilavan.
Naramdaman naman ang Intensity III sa Peñablanca, Cagayan, Intensity II sa mga bayan ng San Pablo, Cabagan at Santo Tomas, Isabela at Intensity I sa mga bayan ng Tumauini at Delfin Albano, Isabela.
Ayon kay Atty. Foronda patuloy ang ginagawa nilang mga earthquake drills upang matiyak na alam ng mga tao ang kanilang gagawin sa tuwing may mga ganitong pangyayari.





