--Ads--

Natapos na ang kampanya ni World no. 2 Pole Vaulter Ernest John “EJ” Obiena sa Paris Olympics.

Pumang-apat lamang si Obiena sa men’s pole vault final matapos na hindi ma-clear ang 5.95m sa kanyang tatlong attempt.

Ang Asia’s pole vaulter ng Asia ay nagpakita pa rin ng tunay na sportsmanship nang makapasok siya sa finals sa kabila ng kanyang iniindang isyu sa kanyang likod.

Nakamit naman ni World no. 1 Armand Duplantis ng Sweden ang ikalawa nitong Olympic Gold medal matapos ang successful attempt sa 6.00m habang nakuha ni Sam Kendricks ng Estados Unidos ang silver medal sa kanyang 5.95m clearance.

--Ads--

Bronze medal naman ang naiuwi ni Emmanouil Karalis ng Greece sa kanyang 5.90m clearance.

Patuloy ang pamamayagpag ni Duplantis sa mga major international outdoor championships pangunahin sa tatlong gintong medalya nito sa world championships at sa dalawang Olympic Games.