--Ads--

CAUAYAN CITY – Matagumpay na naaresto ng Highway Patrol Team o HPG Isabela ang Number 1 at number 2 Most Wanted Person Provincial Level na sangkot sa Carnapping, Robbery at tangkang pagpatay sa Antipolo City, Rizal.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rey Sales ang Team Leader ng Highway Patrol Team o HPG Isabela sinabi niya na inaresto sina Victor Simon at Benedict Malupeng na bahagi ng kanilang case operational plan matapos ilabas ang kanilang warrant of arrest noong 2022 isang taon matapos isagawa ng mga suspek ang krimen.

Unang nadakip si Victor Simon at sa pamamagitan ng mga isiniwalat niyang impormasyon ay sumunod na nadakip si Malupeng sa isang Bus Terminal.

Napag-alaman na si Victor ay matagal nang pinaghahanap ng batas at mayroon siyang kasong carnapping at frustrated murder sa Santiago City at Echague Isabela.

--Ads--

Napag-alaman umano nila na si Victor ay nasa Antipolo City, Rizal kaya agad nila itong sinundan na nagresulta sa pagkaka-aresto ng akusado.

Maliban dito ay nahaharap din sa kasong Robbery with Violence si Malupeng na isinampa sa Lunsod ng Ilagan.