--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng alkalde ng Jones,Isabela na nasa maayos nang kalagayan ang isa sa kanilang kababayan na kasama sa mga tripulanteng nastranded matapos paputukan ng Houti rebels ang sinasakyang barko sa yemen.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Nhel Montano ng Jones Isabela kanyang sinabi na ang isa sa tripulante ay  mula sa  Brgy. Papan Weste.

Aniya, batay sa kanyang pakikipag ugnayan sa kanyang mga kamag-anak kanilang kinumpirma na nasa  maayos naman na umano itong kalagayan.

Naghihintay umano sila ngayon ng magrerescue sa kanila.

--Ads--

Pagbabahagi umano ng naturang tripulante sa kanyang kamag-anak na buti nalamang umano

na kaagad naapula ang apoy sa kanilang barkong sinasakyan, kung hindi ay baka umano ito tuluyang sumabog dahil  diesel ang  karga nito.

Sa ngayon ay pinapatutukan ni Mayor Montano ang kalagayan ng kaniyang kababayan na kabilang sa mga tripulanteng nastranded.