--Ads--

Naghain ng Certificate of Candidacy o COC ang social media personality na si Deo Balbuena o mas kilalang Diwata bilang ikaapat na nominee ng Vendor’s parti-list group.

Ngayong araw ay nagtungo si Diwata sa Manila Hotel para ipasa ang kanyang COC at certificate of nomination and acceptance o CONA.

Kabilang ang Vendor’s parti-list sa 42 bagong parti-list na tatakbo sa 2025 midterm election.

Samantala, nakilala si Deo Balbuena o Diwata dahil sa sumikat niyang Diwata pares overload sa Metro Manila.

--Ads--