--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang lalaki matapos magulungan ng sasakyan sa Burgos, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jonathan Ramos, Chief of Police ng Burgos Police Station, sinabi niya na matapos mag-inuman ang biktima at ang kasamahan nito sa trabaho ay nagkaayayaan silang maglugaw sa isang kainan sa bayan ng Burgos.

Nang pauwi na ang mga biktima ay humiga umano ito sa gitna ng kalsada dala ng kalasingan dahilan kayat nasagasaan ito ng dumaan na sasakyan.

Aniya, may kadiliman ang lugar dahilan kaya’t hindi rin ito napansin ng tsuper ng nakasagasang sasakyan dahil akala umano niya na iyon ay sako lamang na nakahambalang sa daan.

--Ads--

Dead on arrival naman aniya ang biktima nang maisugod sa pagamutan.

Matapos ang insidente ay agad namang nagtungo ang suspek sa himpilan ng pulisya para iulat ang insidente.

Nagkaroon naman na ng pag-uusap ang suspek at ang pamilya ng biktima at napagkasunduang magkaka-ayos na lamang.

Patuloy naman ang isinasagawang pagpapatrolya ng kapulisan sa bayan ng Burgos pangunahin na sa gabi ngunit hindi pa rin aniya maiiwasan ang mga ganitong klase ng insidente.