--Ads--

CAUAYAN CITY – Pormal nang pinasinayaan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR socio-civic center sa Echague, Isabela

Aabot sa 12.7 milyon ang halaga ng pasilidad na pinondohan ng PAGCOR at galing naman sa Local Government Unit ng Echague ang lupang kinatayuan nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PAGCOR Vice President Ramon Stephen Villaflor, sinabi niya na malaki ang kontribusyon ng pasilidad para sa ekonomiya ng bayan ng Echague.

Aniya, maaaring gamitin ang PAGCOR Socio Civic Center sa iba’t ibang mga aktibidad kagaya na lamang ng mga trainings, liga at maaari rin itong gawing evacuation center.

--Ads--