--Ads--

Mayroon naman umanong lifeguard ang resort kung saan nalunod ang isang bata sa Alicia Isabela ngunit kasalukuyan silang kumakain nang mangyari ang insidente.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pat. Jeffrey Guiwo ng Alicia Police Station, sinabi niya na sa ngayon ay hindi pa nila makausap ng maayos ang ama ng bata na tuliro matapos ang pagkasawi ng kanyang anak.

Nasawi ang isang pitong taong gulang na lalaki matapos malunod sa isang resort sa Dagupan, Alicia, Isabela.

Ang biktima ay isang Grade 2 pupil na residente ng Paddad, Alicia, Isabela.

--Ads--

Sinabi niya na batay sa kanilang pagsisiyasat, nagtungo biktima kasama ang kaniyang pamilya sa resort para sa family outing.

Habang naghahanda umano sila ng pagkain ay nagtungo ang biktima kasama ang kaniyang ama sa swimming pool para maligo ngunit umalis din umano ang tatay nito at nagtungo sa kanilang cottage para makipag-inuman.

Pagkalipas umano ng tatlumpung minuto ay bumalik ang ama nito sa pool ngunit kinabahan ito nang hindi na niya makita ang kaniyang anak sa bahagi ng swimming pool  kung saan niya ito iniwan.

Dali-dali naman itong nagtungo sa Adult Pool para hanapin ang kaniyang anak at doon niya na nakita ang biktima na noon ay nasa ground floor na ng pool na may 5-feet na lalim.

Sinubukan pa nitong isalba ang kaniyang anak sa pamamagitan ng CPR at nang hindi ito nagre-response ay isinugod na ito sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending Phycisian.

Pinaalalahanan naman niya ang mga magulang na nagtutungo sa mga resort na bantayan ng mabuti ang kanilang mga anak upang hindi matulad sa nasabing pangyayari.