--Ads--

 CAUAYAN CITY- Arestado ang isang security guard matapos na masamsaman ng iligal na droga.

Ang suspek ay si Cristen  Ablaza, 42-anyos na residente ng San Guillermo Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mariano Police station napag-alaman na matagal nilang minanmanan ang suspect kung saan ilang beses silang nagsagawa ng test buy.

Nang mapatunayan ang impormasyon ay nagsagawa na sila ng buy bust operation katuwang ang PDEA kung saan nabili nila mula kay Ablaza ang dalawang pakete ng shabu.

--Ads--

Sa kanilang impormasyon malawak ang operasyon ni Ablaza sa San Mariano kung saan may ilang parokysano siyang pinag bebentahan.

Depensa ng suspect na hind sa kaniya ang droga at nag paalam lamang siya na magbabanyo subalit dinakip umano siya ng mga otoridad.

Ayon sa PNP binibigyan ng sapat na panahon ang suspect na kumuha ng abogado at patunayan na siya ay inosente sa harap ng korte.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng PNP San Mariano si Ablaza na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.