CAUAYAN CITY- Hindi tumitigil ang Bureau of Internal Revenue District Office 5 Naguilian sa pagsasagawa ng monitoring sa mga nagbebenta at gumagawa ng mga sigarilyong walang stamps
Ayon sa ahensiya, tuloy tuloy ang kanilang operation kontra pagbebenta n mga sigarilyo at gayundin ng mga vape.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Revenue District Officer Robertson Gazzingan ng BIR Naguilian, sinabi nito na ang kanilang hakbang kontra sa pagbebenta ng mga produktong walang stamps ay para masiguro na patas ang kalakalan sa merkado
Aniya, nagsasagawa sila ng monitoring dahil sakop ng kanilang ahensiya ang makakuha ng kita mula sa mga produktong ibinebenta
Dagdag pa ng opisyal, alam ng traders ng mga ilegal na sigarilyo at vape ang operasyon ng ahensiya kaya’t mas maigting ngayon ang ginagawa nilang inspeksyon.
Nagpaalala rin ang ahensiya sa traders na lumaban ng patas dahil ang buwis na nakukuha ng BIR sa mga produktong may stamp ay magagamit para sa mga proyekto ng pamahalaan











