--Ads--

Nanawagan ng hustisya ang Pamilya ng isang Filipina na diumano’y pinatay ng kanyang asawa habang nasa bakasyon sa Slovenia.

Nakilala ni Marvil Facturan ang kanyang asawa na si Mitja Kocjancic online noong Pebrero 2024, ayon sa kanyang ina.

Ayon sa ulat binisita ni Mitja si Marvil sa Pilipinas at nag-propose ng kasal sa kanya noong kanyang kaarawan noong Hulyo. Ikinasal sila sa parehong buwan.

Pagkatapos umano ng kasal, ay naging abala si Marvil sa pag-sasaayos ng kanyang mga papeles bago sumunod sa kanyang asawa sa Slovenia noong Disyembre 22.

--Ads--

Ngunit noong Disyembre 31, nakatanggap ang pamilya ng tawag mula sa mga awtoridad ng embahada na nagsabing pinatay Marvil.

Kalaunan ng lumabas ang mga ulat mula sa Slovenia na diumano’y sinaksak hanggang mamatay ang biktima ng mismo niyang asawa.

Hindi sang-ayon ang pamilya Facturan sa ginawang pagkulong kay  Kocjancic sa isang mental iknstitution sa halip na mabulok sa bilanguan.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang kanilang Pamilya sa embahada sa Slovenia

ukol sa posibleng pag papa-uwi sa labi ni Marvil.