Pabor ang ilang grupo ng mga magsasaka sa pagpapatupad ng National Food Security Emergency sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), sinabi niya na wala silang pagtutol ukol dito dahil madi-dispose naman ang mga bigas ng National Food Security (NFA) sa merkado at maaring maging 38 pesos ang kada kilo nito.
Sa ngayon aniya ay bumaba na ang presyo ng bigas dahil naglalaro na sa 40-42 pesos ang presyo ng regular at well-milled rice habang ang imported naman ng bigas ay bahagya na ring bumaba sa 58 pesos kada kilo ngunit mas maaari pa itong bumaba sa 52 pesos.
Gayunpaman ay nananawagan pa rin sila sa pamahalaan na ibalik na sa 35% ang taripa ng mga imported na bigas dahil malinaw na hindi naman nakatulong ang imported rice sa pagpapababa ng presyo ng bigas sa bansa.ama ng bala.