--Ads--

Sa session ng Kamara mamayang hapon, inaasahan ang pormal na anunsyo ni House Speaker Ferdinand “Boy” Velasco ukol sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa ngayon, nagsasagawa ng caucus ang mga kasapi ng House Majority upang pag-usapan ang mga reklamo ng impeachment laban kay VP Duterte.

Bago magsimula ang caucus, sinabi ni Velasco na magiging “exciting” ang araw na ito sa plenaryo.

Ayon kay Velasco, may sapat nang bilang ng mga kongresista na sumusuporta sa impeachment laban sa ikalawang pangulo.

--Ads--

Sinabi rin ni Velasco at ilang kongresista, na ayaw munang magpakilala, na higit pa sa kinakailangang 103 na kongresista ang pumirma bilang suporta sa impeachment kay VP Sara.