--Ads--

Naghain ng reklamo si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez nitong Lunes, Pebrero 10, laban kina Speaker Martin Romualdez at iba pang mambabatas dahil sa umano’y mga insertions sa 2025 national budget.

Naghain ng reklamo sina Alvarez, mga abogadong sina James Bondoc at Ferdinand Topacio, at Diego Magpantay ng Citizen’s Crime Watch para sa falsification of legislative documents at graft laban kina Romualdez, Majority Leader Manuel Dalipe, at House budget leaders Stella Quimbo at Zaldy Co.

Inihain ang mga reklamo sa Office of the Ombudsman.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay naghain ng petisyon sina dating executive secretary at campaign spokesperson Vic Rodriguez at Davao Rep. Isidro Ungab sa Korte Suprema para ipawalang-isa ang 2025 General Appropriations Act.

--Ads--

Anila, nadiskubre umano ang mga blank item sa bicameral conference committee report sa badyet na nagkakahalaga ng P100 bilyon.

Sa kabila nito, dumipensa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at

sinabing walang blank items sa 2025 national budget, at sinuri niya ang lahat ng “4,057” bago pinirmahan.