Narekober na ng mga awtoridad ang siyam na pasahero kabilang ang Piloto ng bumagsak na Cessna 208B Grand Caravan sa Alaska noong ika-6 ng Pebrero.
Ang piloto ng naturang aircraft ay isang 34-taong gulang na mula sa Nome, Alaska.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, sinabi niya na bago ang insidente ay nawawalan ng radar contact ang piloto habang tinatahak nito ang patungong Unalakleet, Alaska.
Bago ang insidente ay hindi na maganda ang lagay ng panahon dahil sa kapal ng snow sa paligid.
Nang dahil dito ay naghintay umano ang piloto sa abiso ng Air traffic Controller kung Iho-hold nito ang pag-land ng kanilang aircraft hanggang sa ma-clear ang runway ngunit nawalan na ng radar contact ang piloto.
Naging pahirapan naman ang isinagawang search and retrieval operation ng mga awtoridad dahil sa kapal ng niyebe sa lugar kaya inabot ng tatlong araw bago marekober ang katawan ng mga biktima.
Dahil sa sunod-sunod na aviation incident sa Amerika ay nagdulot na ito ng takot at pamgamba sa publiko na sumakay ng eroplano.
Ngunit dahil dito ay umaasa sila na ma-review at ma-revise ang mga aviation safety and guidelines.