--Ads--

Tatlong katao, kabilang ang dalawang British nationals, ang nasawi matapos bumagsak ang isang maliit na eroplano sa Swiss Alps.

Bumagsak ang Cirrus SR22T sa isang bahagi ng kabundukan malapit sa bayan ng Leukerbad sa Valais canton noong Martes, ilang minuto matapos itong lumipad mula sa Sion Airport.

Ayon sa mga awtoridad, hindi pa batid ang dahilan ng pagbagsak. Iniulat naman ng mga saksi na nakakita sila ng apoy at usok mula sa lugar ng insidente.

Agad na rumesponde ang rescue teams, pulisya at mga bumbero, kasama ang tatlong helicopter.

--Ads--

Sinimulan na ng Swiss Transportation Safety Board ang imbestigasyon, habang nagsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Valais Police at Office of the Attorney General.

Samantala, kinumpirma ng British Foreign, Commonwealth and Development Office na dalawang British nationals ang kabilang sa mga nasawi at nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na awtoridad upang suportahan ang mga pamilya ng mga biktima.