--Ads--

Nakamit ng Philippine men’s curling team ang unang gintong medalya ng bansa sa 9th Asian Winter Games nitong Biyernes sa Pingfang Curling Arena sa China.

Pinataob nila ang powerhouse na South Korea, 5-3.

Ani Filipino-Swiss skip Marc Pfister, hindi lamang basta medal ang nais nilang makuha kundi gold.

Saad naman ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino, malaking achievement ito para sa bansa, na nagbukas ng pinto para naman sa asam na unang Winter Olympics medal.

--Ads--

Bago maikasa ang golden duel laban sa Koreans, pinatid muna ng PH team ang Japan, 10-4, sa knockout qualification at tinalo ang host China, 7-6, sa semifinal noong Huwebes ng gabi.