FRANCE- Isang lalaki na kabilang sa terrorism watchlist at naka takda na sanang ma-deport ang nanaksak ng ilang tao sa France, na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng iba pa.
Ang suspek, na kalaunan ay nakilala bilang isang 37-anyos na lalaki na ipinanganak sa Algeria, ay inaresto sa lugar ng insidente sa lungsod ng Mulhouse noong Sabado.
Ayon kay Local prosecutor Nicolas Heitz, ang suspek ay nakarehistro sa terrorist watchlist ng France.
Sinabi ni Interior Minister Bruno Retailleau sa isang pahayag sa istasyon ng pulis na ang lalaki ay may “schizophrenic profile” at ang kanyang ginawa ay may “psychiatric dimension.”
Ayon kay Retailleau, paulit-ulit na sinubukan ng France na ipatanggal siya sa bansa, ngunit tumanggi ang Algeria na makipagtulungan.
Ang insidente ay nangyari bandang alas-4 ng hapon malapit sa isang pamilihan sa Mulhouse, isang lungsod na may halos 110,000 katao malapit sa hangganan ng Germany.
Nang oras na iyon, may mga nagpoprotesta para sa pagsuporta sa Democratic Republic of Congo nang mag amok ang lalaki.
Isang 69-anyos na Portuges na lalaki ang namatay habang ang mga parking attendants at pulis ay nasugatan din.
Ayon kay prosecutor Heitz, dalawang opisyal ng pulisya ang malubhang nasugatan, isa sa kanila ay tinamaan sa carotid artery at ang isa naman sa itaas na bahagi ng katawan, habang tatlong iba pang mga opisyal ng pulis ay nagkaroon ng mga minor na sugat.
Habang isinasagawa ang pag-atake, narinig ang suspek na sumisigaw ng “Allahu Akbar” ayon sa national anti-terror prosecutor’s unit (PNAT).
Ayon din sa mga saksi, narinig nila ang suspek na paulit-ulit na sumisigaw ng mga katagang ito habang isinasagawa ang krimen.