--Ads--

CAUAYAN CITY- Agad binawian ng buhay sa pagamutan ang isang Government Employee nang aksidenteng sumalpok sa nakaparadang truck sa bahagi ng National Highway ng Purok 6 Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.


Ang nasawi ay si Mike, 36-anyos, na residente ng Brgy. Bugallon Norte, Ramon Isabela.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Ramon Police Station na nakaparada umano sa gilid ng daan ang isang Isuzu Truck partikular sa kanang bahagi ng kalsada habang binabaybay naman ng motorsiklo ang daan patungong Ramon proper.


Nang makarating sa lugar ng pinangyarihan, aksidente umanong nahagip rider ang kaliwang-likurang bahagi ng nakaparadang truck.


Dahil sa lakas ng pagkabangga, tumilapon sa sementadong daan ang biktima na nagtamo ng malalang sugat sa ulo na agad namang nirespondehan ng Rescue 316 ng Ramon at dinala sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City kung saan siya idineklarang Dead on Arrival.

--Ads--


Posibleng maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Homicide and Damage to Property ang tsuper ng truck na pumarada umano sa lugar para panandaliang umihi.