CAUAYAN CITY- Kasado na ang mga aktibidad na isasagawa para sa Cagayan Valley Regional Atheletics Association o CAVRAA meet 2025 na pangungunahan ng City Government of Santiago at lalahukan ng nasa 7,000 participants.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Jose Narag ang Regional Athletics Manager ng DepEd Region 2, sinabi niya na katatapos ng final deliberation at final decision sa mga activities na isasagawa para sa CAVRAA 2025 na gaganapin sa Lunsod ng Santiago.
Ang final date ng CAVRAA 2025 ay April 22 hanggang April 27, 2025, dahil semana santa ay inaasahan ang pagdating ng deligates sa kanilang belting quarters pagkatapos ng kwaresma.
Dahil sa ito ang unang pagkakataon na mag host ang Santiago City ay inaasahan na ang spectacular o magarbong opening ceremony na dudumugin ng mga tao lalo at katatapos lamang ng kanilang bagong pasilidad na Santiago City Sports Arena.
Natalakay na rin ang accomodations para sa mga atleta, habang ihahabol namang matapos ang track oval ng sports complex ngayong mainit na ang panahon, nakalatag at nasimulan na rin ang pagsasaayos sa water system maging mga palikuran o makeshift toilets/ bathroom na 50% na ang natatapos.
Inaasahang madadagdagan pa ang estimated 7,000 participants na binubuo ng mga atleta at deligado mula sa iba’t ibang bahagi ng Region 2 dahil sa bumuo sila ng bagong feature kung saan bibigyan na ng pagkilala ang Best Performing School at Best Performing LGU sa larangan ng pampalakasan, kinikilala nito ang efforts ng LGU sa pag produce ng mga medalist.
Sa susunod na Linggo ay magsisimula na ang pagsasanay ng mga atleta na sasabak sa CAVRAA.
Bukas rin ang DepED Region 2 na muling magpatupad ng window hour para sa mga outdoor activities kung saan sisimulan ang mga sporting events alas singko ng umaga hanggang alas nuebe ng umaga bilang bahagi ng kanilang tungkulin na gawing Child Friendly ang CAVRAA 2025.